Mga sobrang kamatis, itinatapon na lamang sa Nueva Vizcaya
Marami ang nanghinayang matapos kumalat sa social media ang mga larawan ng mga itinapon ng mga magsasaka ang ilang mga inaning mga kamatis sa Bambang Nueva, Vizcaya.
Ayon sa uploader na si Vivian Faye Fermantez, bagsak daw ang presyo ng kamatis dahil sa dami ng supply kaya dumagsa doon ang mga wholesaler.
Aabot sa 6 pesos hanggang 12 pesos nalang kada kilo ang bentahan ng kamatis sa lugar, ipinamimigay na lamang din daw ang iba nito.
“Siyempre mababa ang presyo at hindi pa kukunin minsan ng buyer. Imbes na ibabalik sa kanilang lugar, minsan naghahanap na lang sila ng maluwag na area na doon nila itinatapon,” pahayag ni Norman Jester Flores, Aritao Municipal Agriculturist.
Pero sabi ng provincial agriculture office, wala namang nasasayang na kamatis sa Nueva Vizcaya. Ang mga itinatapon daw umano ay mga reject na kamatis o pabulok na.
“Hindi priority, naiiwan and it takes 2 to 3 days talagang bulok na. So, ‘yun ang itinatapon talaga. Pero hindi naman [palagi] ‘yan,” pahayag naman ni Absalom Rizal Bayza, Provincial Agriculturist ng Nueva Vizcaya.
No comments