Netizen, hinahanap ang may-ari ng napulot na P120 na may kasamang sulat ng isang ina



P120 NAPULOT, MAY KALAKIP NA SULAT;
''MGA ANAK KO, PAGHATIHATIAN NINYO ITO''

Nabagbag ang damdamin ng publiko sa Facebook post ng isang babae na nakapulot ng plastik na may lamang pera na nagkakahalaga ng P120 at munting sulat mula sa may-ari.

Ayon kay Ghie Tabinas-Consuelo, napulot niya ang pera sa South Triangle, Quezon City nito lamang Huwebes.


Nang silipin niya ito ay nakita niya na may laman itong pera at isang sulat.

"I love mga anak ko paghatihatian ninyo ito," ang mababasa sa sulat.

Naghintay naman si Ghie nang 20 minuto sa lugar para sa maghahanap sa pera pero nang walang naghanap, ipinost na niya ito sa kaniyang Facebook account.

"Baka sakaling andito yung nanay na nakahulog. Para yan sa mga anak niya with names pa po and amount list on each name. Wala pa pong mga dumadaan nung mapulot ko po yan along the area kahit nag antay pa po ako kung may babalik or maghahanap for about 20 minutes," aniya.

"Mi, baka dumaan to sa newsfeed mo, message lang po kung ikaw ang may ari nito.Alam kong pinaghirapan mo to kahit maliit na halaga," dagdag ni Ghie.


Narito ang buong post ng uploader na si Ghie TabiƱas-Consuelo.

"YUNG MESSAGE NG MOTHER"

Napulot ko po along service road ng Quezon Avenue.

Nakabalot yang 120 sa papel, nakatupi ng maliit.


Baka sakaling andito yung nanay na nakahulog. Para yan sa mga anak niya with names pa po and amount list on each name. Wala pa pong mga dumadaan nung mapulot ko po yan along the area kahit nag antay pa po ako kung may babalik or maghahanap for about 20minutes.


Mi, baka dumaan to sa newsfeed mo, message lang po kung ikaw ang may ari nito.

Alam kong pinaghirapan mo to kahit maliit na halaga.

Name ng mga anak:

Justine

Russie

Paolo

Ella

Kaylie

Marvin

P.S. inilagay ko na po yung names ng mga anak kasi baka walang FB si nanay. Baka sakaling dumaan to sa newsfeed ng mga anak niya.

#motherslovemessage

#pantaypantaynapagmamahalngNanay


No comments