Nursing student, iniligtas ang isang fruit vendor na tinaga ng kaniyang kalive-in-partner
Viral ngayon at pinupuri ng mga netizen ang kabayanihan ng isang nursing student sa Cebu, matapos nitong tumungan ang isang fruit vendor na tinaga sa leeg ng sarili nitong ka live-in partner dahil daw umano sa tinding selos.
Kumakalat ngayon online ang isang CCTV footage kung saan napadaan si si Angyl Faith Ababat, isang bursing student, ang tumulong sa isang dugu@n at halos mawalan na ng malay na babaeng vendor sa kahabaan ng C. Padilla Street nito lamang lunes, Enero 30.
Kinilala ang biktima na si Bernadeta Zamora, 54 taong gulang, at nagtitinda ng mangga sa downtown Cebu City. Ang kaniya namang ka live-in ay si Edwin Salazar.
Sinaluduhan si Angyl ng kaniyang eskwelahan,University of Cebu (UC), dahil sa ginawa niyang pagsagip sa buhay ng tindera.
“Faith in humanity restored by one of our nursing students. Kudos! Angyl for the kind deed and genuity that you showed to people in need,” pahayag ng nasabing paaralan.
Ayon din salaysay ni Ababat, nag-alinlangan daw siya noong una na tumugon sa sitwasyon ni Zamora dahil may iba pa namang mga estudyante doon na kumukuha rin pre-medicine at kaya ring rumesponde.
“But no one responded, and when I saw Nanay that she was about to collapse, I thought to myself, if no one would help, then who will? That was why I immediately responded,” saad ni Ababat sa salitang Cebuano.
Nagpapasalamat din siya sa kaniyang mga instructor at natutunan niya ang mga pangunahing kaalaman at lunas para sa sugat at nakatulong siya.
“At first, hesistant ako since there were a lot of pre-med or med students there, so I was hoping na sila mauunang tumulong sa ale. But no one responded, and when I saw nanay na magko-collapse na, I thought, hala kung wala tutulong sino naman? Kaya ako na ang nag respond. Thankful ako sobra sa mga RLE Clinical Instructors sa UC kasi they taught us the basics and especially sa wound care. And aside dun, meron din na mga trainings sa school na na-apply ko talaga,” paliwanag ni Ababat.
Nakatakdang bigyan ng pagkilala ng Cebu City Police Office si Ababat sa pagsagip sa buhay ng fruit vendor sa Lunes, February 6.
“Isip usa ka student, iyaha nang na-practice ang kanyang pagka-public servant na in times of trouble, labi nag naa sa himatayon na ang mga tao, wala talaga siyang magduha-duha sa tulong. So, mao na ang ating mga ugali sa mga Pilipino ba nga ato talaga na-appreciate dahil pagkamatinabangon,” Dalogdog said.
(She acted like a good public servant who, in time of trouble, especially when facing someone who was verge of death, never thought twice to help. That’s a Filipino habit that we appreciate because Filipinos are helpful by nature.)
Bukod sa pagbibigay sa kanya ng plaque of appreciation, gusto raw nilang gawin siyang huwaran para unahin ang buhay ng iba.
Sinabi niya na umaasa siyang ang kanyang pagkilos ay mahikayat ang iba na tumulong sa mga taong nangangailangan.
Naaresto at kinasuhan na ang suspek.
Sinabi ni Major Henry Orbiso, hepe ng Waterfront Police Station, na ipinaalam sa kanila ng mga kaanak ng biktima na bumuti na ang kalagayan ni Zamora.
No comments