OFW na first-time lotto bettor sa Dubai, nanalo ng PHP223M: "Paggising mo iba na yung buhay mo."



Isang Overseas Filipino Worker (OFW) ang nagpatunay na hindi malas ang Friday the 13th, bakit? dahil nanalo lang naman siya ng 15 million Dirhams o nagkakahalaga ng 223 million pesos sa isang L0ttery sa Dubai.

Siya si Russel Reyes Tuazon, 34 anyos at nagtatrabaho bilang store manager sa Dubai, United Arab Emirates (UAE).


Ayon sa kaniya, ito ang kauna unahan niyang pagtaya sa l0ttery ticket sa Dubai, kinokonsidera niyang 15 ang kaniyang naging lucky number dahil 15 taon na siya sa Dubai, 15 Dirhams (223 pesos) ang halaga ng isang l0ttery ticket at 15 million Dirhams ang jackpot prize o tumataginting na P223 million Pesos.

6-29-34-17-25-22 ang kaniyang winning combination number.

Ang 6 ay buwan ng kanyang birthday; 29 ay araw ng kanyang kaarawan; 34 ang edad niya; 17 ang edad ng kanyang anak; 25 ay birthday ng kapatid na babae; 22 ay birthday ng kanyang nanay, ayon sa panayam niya sa The Filipino Times.

Ayon kay Russel ay tumaya siya nitong umaga ng January 13, mismong araw ng draw, pagkagising niya kinaumagahan ay mayroong tumawag sa kaniya at sinabing nanalo daw siya sa l0tto.


Hindi raw makapaniwala si Russel sa nangyari sa kaniya, ayon pa sa kaniya ay natulog lang siya paggising niya ay iba na ang kaniyang buhay.

“Paggising mo iba na yung buhay mo. Nag-rotate na ng 360 degrees. Iba na,”


Taong 2008 nang magtungo siya sa Dubai at doon makipagsapalaran, siya 19 anyos lamang, nakitaan si Russel ng potensiyal kaya naman ay napromote rin siya.


Wala pa raw balak umuwi si Russel sa Pilipinas dahil marami pa siyang mga aasikasuhin doon.

Kampante naman si Russel sa kaniyang seguridad sa Dubai.


Nang tanungin kung anong gagawin niya sa kaniyang napanalunan ay pag iisipan muna niya kung paano ito papalaguin.

Ang prayoridad niya ngayon ay ang educational plan ng kaniyang anak, insurance para sa kaniyang mag ina, sariling negosyo ng ama at makapagpatayo ng bahay.

No comments