OFW na sinun0g sa Kuwait, inilibing na sa Las Piñas
Nailibing na ngayong araw, Pebrero 5, Linggo dakong 9:20 ng umaga, sa Golden Haven Memorial Park sa Las Piñas, ang mga labi ng OFW na si Jullebee Ranara, na sinun0g at natagpuan ang katawan sa isang disyert0 sa Kuwait.
Emosyunal ang mga kaibigan at kaanak ni Jullebee Ranara ng ihatid na nila ito sa huling hantungan.
Nagbigay ng mensahe ang ilang kaanak at kaibigan ni Jullebee Ranara bago ilibing ang mga labi nito, ang nais nila ay makamit na ang hustisya para sa kaniya at sa kanilang pamilya, gayundin sa iba pang mga OFW na nakakaranas ng pangmamalup!t sa ibang bansa.
Iniulat na hin@lay si Ranara at nabuntis ng 17 anyos na anak ng kaniyang employer, pinagmamalupit@n din daw ito.
Nangako naman ang Kuwait Minister Affairs Sheikh Salem Abdullah Al- Jaber Al- Sabah na bibigyan ng hustisya ang pagkamat@y ni Ranara at maparusahan ang salarin.
Personal na dinamayan ni Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Administrator Arnel Ignacio ang pamilya ni Jullebee Ranara, gayundin si Senator Raffy Tulfo na kung saan ay personal na sinalubong ang labi ni Ranara noong January 28.
No comments