PANOORIN: Babae nagpapa Cash-in ng 5K ngunit walang mailabas na pera. | "PERA MUNA BAGO CASH-IN ATE"
Viral ngayon ang babaeng ito, matapos mai-upload ang pangyayari sa isang tindahan.
Nagpapacash-in diumano ang babaeng ito sa G-Cash sa halagang 5,000 pesos ,ngunit ng sabihin ng tindera na magbayad muna siya ay biglang nag aalangan ang itsura nito at mayroong kinakausap sa kaniyang cellphone.
Wala din itong maipakitang pera sa tindera.
"Pagbigay mo sa akin sa pera isi-send mo din naman agad, kasi di naman pwede isend ko tapos di ka pa nagbigay sakin ng pera, eh malaki to P5,000 to " sinabi ng tindera.
Matagal ding namalagi ang babae sa tindahan, umaaksyong may kausap sa kaniyang cellphone at pinipilit ang tindera na iproseso muna niya bago niya bayaran, sinabi pa nito na hindi naman daw siya tatakbo ngunit hindi pumayag ang tindera. Sa huli ay nagsabi ito ng salamat nalang at umalis na.
Pinuri naman ng mga netizen ang pagiging wais ng tindera at kalikaliwa ngayon ang batikos sa babae na isa raw sc@mmer, subalit hindi pa naman tukoy kung sc@mmer nga ba ito o hindi.
No comments