Panoorin | Cosplay Goddess at Content Creator na si Alodia Gosiengfiao, Ikinasal Na !!




Ikinasal ngayong araw February 14, sa Marriott Grand Ballroom, Resorts World Manila, ang sikat na cosplayer at content creator na si Alodia Gosiengfiao sa kaniyang fiancee, ang businessman na si Christopher Quimbo.

Nagpropose si Christopher Quimbo kay Alodia noong July 23, 2022.

Nireveal din ng dalawa nitong hulyo na ang plano nilang magpakasal ay sa mismong araw ng Valentines Day.


Hindi raw ma-imagine ni Alodia ang buhay niya ngayon kung wala si Christopher.


"I guess I couldn’t imagine a life without him.'' saad nito. ''Everything’s just falling into place na parang hindi siya pilit. Hindi nira-rush or something, parang napakaganda lang. It’s very pure," sabi ni Alodia.

Kamakailan lang din ay ibinahagi niya ang mga behind the scene ng kanilang pre-nup shoot na napaka magical.


Ilang araw din bago ang kasal ay ibinahagi naman ni Alodia ang kanilang Bachelorette Party na ginanap sa isang Yate kasama ang kaniyang mga kapatid at malalapit na kaibigan.

"Last few days on earth as a solo laner. Transferring to duo lane soon," - captioned ni Alodia sa kaniyang Instagram post.


Congratulations and Best Wishes to the newly wed, Mr and Mrs Quimbo!


Si Alodía Almira Arraiza Gosiengfiao-Quimbo ay ipinanganak noong Marso 9, 1988, isa sa pinakasikat na Filipino cosplayer sa buong mundo, isa rin siyang modelo, TV presenter, singer, vlogger, artista at co-founder ng Tier One Entertainment.

Si Christopher Quimbo naman ay isang businessman, siya ang currently the President and GM of Calabria Company Limited the makers of Novellino Wines, the market leading wine in the Philippines.

No comments