"PAY WITH SIBUYAS" | Sibuyas pwedeng ipangbayad sa isang kilalang tindahan sa Quezon City.
Dinagsa at sinamantala ngayon ng mga mamimili ang isang campaign ng kilalang disciunt store na Japan Home Centre sa Panay Avenue, Quezon City, sa kanilang "PAY WITH SIBUYAS", kung saan imbes na pera ang iyong ibibigay na pangbayad, ay sibuyas nalang ang iyong ibibigay.
Sinimulan nila ito ngayong sabado, Pebrero 4, 2023.
Limitado lamang sa tatlong produkto ang pwedeng bilhin at hindi dapat lalagpas sa 88 pesos ang halaga ng mga item, hanggang 3 item lang din ang maximum na pwedeng mabili ng isang customer gamit ang sibuyas.
"We’re launching a 'Pay with Sibuyas' campaign wherein customers can avail of our products in exchange for onions as their form of payment," ayon sa panayam kay JHC Marketing Officer Mitzi Gamboa ng ABS-CBN News.
"The price of onions is rapidly increasing recently and we’ve seen posts and comments of people online jokingly saying if they can buy certain products using onions as their payment since their value is getting high... To grant their requests, we’ll be allowing them to use their onions in purchasing selected products at our store,"dagdag pa nito.
No comments