PBA Legend Terry "Plastic Man" Saldaña , Pumanaw na !


Puman@w na ang tinaguriang "Plastic Man" ng Philippine Basketball Association (PBA) na si Antero "Terry" Saldaña nito lamang Miyerkules, February 1, sa sakit na "lingering kidney ailment", sa edad na 65 taong gulang.

Kinumpirma ito ni PBA Commisioner Willie Marcial matapos nitong nakausap ang dating kasamahan ni Saldaña sa Toyota na si Ed Cordero.



Noong taong 2021 ay lumapit ito si Saldaña upang humingi ng tulong pinansyal para sa kaniyang lumalang sakit.


Si Saldaña ay naglaro ng 17 season sa PBA para sa several teams kung saan nagwagi siya ng 6 na championships.

Si Terry Saldaña ay dating naglaro sa Ginebra noong taong 1983 hanggang 1987 at 1997 hanggang 1998, kasama nito ang playing coach na si Robert Jaworski.



Nagsimula siyang maglaro sa PBA ng kunin siya ng Toyota noong taong 1982, hihirangin na sana itong Rookie of the Year ngunit nasangkot ito sa labu-labong laban sa South Korean National Team.

Naglaro din siya noong 1993 sa Swift at noong 2000 saa Batang Red Bull.

Tinagurian siyang "Plastic Man" dahil sa paikot ikot nitong mga tira.

Naging assistant coach din ito ng Wang's Basketball sa PBA D-League.




No comments