Pokwang, humingi ng tawad sa kaniyang namayapang ina: “Matigas ang ulo ko... Ma, sorry, sorry ‘di ako nakinig sa ‘yo.''
Naikuwento ni Pokwang sa kaniyang interview sa "Fast Talk with Boy Bunda" nito lamang Biyernes na hindi raw boto ang kaniyang ina sa pakikipagrelasyon niya kay Lee O'Brian.
Humingi ng tawad si Pokwang sa kaniyang ina na namayapa na matapos na mauwi sa masaklap na hiwalayan ang relasyon nila ni Lee.
“Naging matigas ang ulo ko. Ayaw ng nanay ko sa kaniya,”
“Ma sorry. Sorry Ma hindi ako nakinig sa ‘yo. Sorry po. Kailangan ko po ng yakap niyo Ma. Nami-miss ko na si Mama, pero ‘di ba ayokong sumama,” ani ni Pokwang.
Pumanaw ang ina ni Pokwang noong taong 2020, kasagsagan ito ng pandemya, unti unting nanghina ang kaniyang ina dahil sa sakit nitong dementia.
No comments