Pokwang, umaasa pang magkakabalikan sila ni Lee O'Brian para sa kapakanan ng anak na si Malia
Maluha-luhang inamin ni Pokwang na sana ay bumalik sa kanila ang dating partner na si Lee O'Brian para sa kapakanan ng kanilang anak na si Malia.
Sa interview sa kaniya ni Boy Abunda sa "Fast Talk With Boy Abunda" nito lamang Biyernes, sinabi ng komedyante na gusto niyang ayusin ang kanilang relasyon kahit na nasasaktan siya ng sobra.
Sinabi rin ni Pokwang na siya ang nagpaalis kay Lee, ayaw naman niya na maranasan ng kanilang anak ang magkaroon ng broken family.
"Oo naghiwalay kami pero marami akong binigay na chance," she said. "Marami akong binigay na mga signal sa kanya na, 'Please ayusin mo naman 'to para kay Malia.'"
Naghiwalay ang mag-asawa noong 2021, ngunit ipinagtanggol ni Pokwang si Lee mula sa mga haka-haka tungkol sa kanilang paghihiwalay. She said they separated amicably, walang third party, at hindi sila nag-away dahil sa pera.
Ibinulgar din ni Pokwang ang mga totoong detalye tungkol sa kanilang paghihiwalay at inamin niyang nagsinungaling siya sa kanyang mga naunang pahayag sa pag-asang magkabalikan sila.
"Sa totoo lang mahal ko siya kaya ko nga nagawang magsinungaling eh, pagtakpan ko siya dahil umaasa ako na magkakabalikan pa kami, maayos pa 'to,"
Tinatanong din daw siya ni Malia tungkol sa kanyang ama, kaya nanatiling bukas ang pinto ng komedyante para sa isang reconciliation.
"The more na nagtanong sa akin 'yung bata, the more na nagbibigay ako sa kanya ng sign," pagkukwento ni Pokwang.
"Ito kami ng anak mo, handa akong magsinungaling, handa akong lunukin lahat, buuin mo lang kami, mabuo lang tayo ulit," dagdag pa niya.
Hindi napigilan ni Pokwang ang mapaluha nang ihayag niya ang kanyang nararamdaman tungkol sa kanilang paghihiwalay.
"Kung alam n'yo lang gabi-gabi kong pinagdadasal, 'Babalik ka, babalik ka, aayusin mo 'to,"
Ngunit sa tingin ni pokwang ay parang wala ng pag asang magkabalikan pa sila.
"Talagang mahal ko siya kaya lang sa mga lately na paghaharap natin, parang nakita ko na OK, wala na."
No comments