Rebulto ng Birheng Maria, hindi nasira matapos ang malakas na lindol na tumama sa Turkey at Syria
Hindi man lamang nasira ang isang rebulto ng Birheng Maria matapos gumuho ang katedral na kinatitirikan nito sa 7.8-magnitude na lindol na tumama sa Turkey at Syria.
Ikinagulat ng isang pari sa Turkey ang hindi pagkasira ng rebulto ni Birheng Maria na nakatayo sa loob ng gumuhong Annunciation Cathedral sa Alexandretta, Turkey nitong Martes, Pebrero 7, matapos yanigin ang kanilang bansa at Syria nitong Lunes, Pebrero 6.
Ibinahagi ni Turkish Jesuit priest Father Antuan Ilgit, ang mga larawan nito sa Facebook page ilang sandali matapos ang kalamidad, ibinahagi rin niya na ang nasabing cathedral ay pinagmisahan pa nila nitong Linggo bago ang sakuna.
“We are all in the refectory, which is more accessible, where we also celebrated Mass! I brought the image of the Madonna from the cathedral''
Nakuha rin daw ng pari mula sa napinsalang cathedral ang imahen ni Madonna.
“The image of Our Lady was unharmed in the quake that brought down Annunciation Cathedral in the city of Alexandretta in the Turkish province of Hatay,” isinulat niya, ayon sa Catholic News Agency.
“We continue to trust in God and in his holy providence,”.
''It’s raining, it’s cold, and the tremors are very strong. We feel your closeness and count on it. We also hold beloved Syria in our hearts. May the Lord keep us in his love and be gracious to us!” dagdag pa nito.
No comments