Sharon Cuneta, ipinahahanap ang babae na nasa larawan at mga alaga nitong hayop




Humihingi ngayon ng tulong si Mega Star Sharon Cuneta na mahanap ang babaeng nasa larawan na nakapagpaantig ng kaniyang puso pati na rin ang mga netizen.

"Please po tulungan nyo kaming mahanap ang napakabuting Ate na ito!!! Thank you do much. Please share! God bless her - God bless us all. - pakiusap naman ni Megastar sa  mga netizens.


Naantig ang puso ngayon ng mga dog lover, netizen, lalong lalo na si Sharon Cuneta, kung saan ay may isang babae na katabi niyang matulog ang kaniyang nga aso at pusa sa lansangan.


Ayon sa mga netizen ay napakabuti ng puso ng babae dahil kahit na wala siyang bahay at maayos na matutulugan ay napili pa rin niyang kasama at alagaan ang mga aso at pusang ito.


Ang uploader ng larawang ito ay si Harry C. Weber na may caption na, "This lady deserves the biggest room in heaven".




No comments