Vice Ganda, ''amoy imburnal'' daw ang hininga ayon kay Cristy Fermin




Viral ngayon ang ang pahayag ng kolumnista na si Cristy Fermin sa Showtime TV Host at Unkabogable Star na si Vice Ganda sa kaniyang show na Showbiz Now Na!, kung saan isiniwalat nito ang tungkol sa mabahong hininga raw ni Vice Ganda.

Mula raw ang tsismis na ito sa mga malalapit na tao kay Vice, ayon pa kay Cristy ay malakas umanong mamintas sa iba ang TV Host gayung may taglay rin daw itong kapintasan sa kaniyang sarili.


Sinabi rin ni Cristy Fermin na bahala na raw si Vice Ganda maghanap kung sinong malapit na tao ang nagsabi sa kaniya na mabaho ang hininga nito.


Kaya naman payo ni Cristy Fermin, bawas bawasan na raw ang gawaing pamimintas lalo na kung may resibo ang iba na ibabato sa kaniya.

Tinawag daw sila ni Vice Ganda na tatlong mga chismosang chaka.


"Tutal, tinatawag mo kaming tatlo na mga chismosong chaka 'di ba? Okay, di ka namin papatulan pero may kikwento kami. HIndi mo kami mapipigil. Mga taong malapit sa'yo ang nagsasabi na ang hininga mo raw ay amoy imburnal," ani Cristy.


"Ang sabi niya, ang lakas-lakas ng loob niya na mamintas. Diyok ko! kung alam niyo lang, antindi ng amoy ng hininga niyan. Parang bulok na daga," dagdag pa nito.


Ayon pa kay Cristy Fermin, tila nadadalas daw kasi ang napapansing ugali ni Vice sa pakikitungo niya sa ibang tao at isa na rito ang umano'y nagawa niyang pagsagot kay Karylle sa It's Showtime.

"Kaya nga, 'wag kang mamimintas ng kapwa mo kung may maibabalik din sa'yo na resibo," ayon pa kay Cristy.

Hindi rin nakaligtas ang partner ni Vice Ganda na si Ion Perez, sinabi niya na nahawa na raw ito sa talas ng dila at ugaling kanal ni Vice Ganda.


No comments