VIRAL: 2 Kabataan huling nagti-TikTok sa loob ng National Museum; isang Artwork ginawa pang patungan ng cellphone
Dismayado ang netizen at uploader ng video na si Rodney James De Guzman, sa dalawang kabataan na nakita niyang nagti-Tiktok sa loob ng National Museum of Fine Arts sa Maynila.
Ayon sa kaniya, hindi naman daw hinawakan ng dalawang kabataan ang isang obra ginawa lamang daw itong patungan ng cellphone upang sila ay makapag video.
“mag appreciate at matuto, magTIKTOK at patungan ng cellphone ang artwork, FYi that is a marble artwork, nakalagay na do not touch, PINATUNGAN NAMAN!,” caption niya sa nagviral niyang video.
Ayon pa sa panayam kay Rodney, dismayado rin daw siya sa iba pa niyang nakita na nagti-TikTok sa loob ng pambansang museo at halos karamihan pa dito ay halos mga kabataan, imbes na basahin, pahalagahan at matuto sa mga obra na nasa museo ginawa lamang doon ay mag TikTok.
“I feel disappointed sa kanila kasi hindi nagkulang ang museum sa rules and regulations po eh, and they break the rules para lang sa TikTok at magsaya, its not the right place,” aniya.
Si Rodney ay pumunta sa Museo kasama ang kaniyang mga kaibigan.
Payo naman niya sa mga nais pumunta at pumasyal sa Museo, irespeto ang mga artwork na naroon maging ang mga tao sa likod ng mga obra, dahil bahagi na ito ng kasaysayan.
“Irespeto po natin ang National Museum, ang mga artworks, at mga tao sa sa likod ng bawat obra. Parte na po ng history ang mga piyesa na nasa loob nito.”
Narito rin ang mga komento ng iba pang netizen na dismayado rin sa mga kabataan.
“Mga kabataan nga naman hay.”
“Sana may mga security personnel na nagroronda rin para nasisita kaagad kung may mga nagmi-misbehave.”
No comments