College Instructor' karga-karga ang anak ng kanyang estudyante habang nagtuturo makapag-aral lamang ito!
Guro, ang siyang itinuturing pangalawang magulang ng kaniyang mga mag-aaral sa loob ng paaralan. Sila ang siyang tumutulong hubugin ang angking kakayahan at kaalaman ng kanilang mga estudyante.
Ang iba sa kanila ay literal na naging magulang sa kahit pa sa maikling panahon at oras tulad ng pag-aalaga ng anak ng kaniyang estudyante habang nagtuturo para magawa din nito ang mga sulatin.
Isang nakakaantig damdamin ang ibinahaging post ng isang mag-aaral mula sa Northern Mindanao Colleges kung saan siya ay may kaklaseng dala-dala ang anak nito sa tuwing pumapasok sa klase.

Sa Facebook post ni Mary Rose Amisola Ponce, (na nakasulat sa dayalektong bisaya) nakuhanan niya ng mga larawan ang isang kahanga-hangang pagkakataong bihira lamang mangyari at masaksihan sa normal na kaganapan sa loob ng apat na sulok ng paaralan.
Sa mga kuhang larawan ni Ponce, makikita ang isang Guro na may karga-kargang bata na nasa mga buwang gulang pa lamang habang ito ay nasa kalagitnaan ng kanyang pagtuturo.
Sa mga kuhang larawan ni Ponce, makikita ang isang Guro na may karga-kargang bata na nasa mga buwang gulang pa lamang habang ito ay nasa kalagitnaan ng kanyang pagtuturo.
Ayon pa kay Ponce, boluntaryong kinuha ng guro nila ang anak ni Lagrimas, habang ito’y nagtuturo at nagsusulat sa board upang makopya ng estudyanteng Ina ang mga aralin nila.
“[Kinarga niya talaga ang bata para makasulat lang ang Ina nito, habang siya rin ay nagsusulat din sa board],” saad niya sa kaniyang post.
“[Pagkatapos ay saglit niyang ibinalik si baby sa Ina dahil ito’y inaantok na at meron din siyang kukuhanin. Pagkabalik naman nito ay agad nanaman niyang kinuha si baby upang matapos ni Elyn Rose ang mga susulatin.],” dagdag niya.
Sabay siyang nagtuturo habang karga-karga niya si baby, haggang sa nakatulog ang bata at doon na niya ito binalik Ina pagkatapos ng kalse nila.] patuloy niya.
Pag-amin din ni Ponce na sadyang mabait talaga itong guro nila, kaya naman gusto-gusto nilang lahat ito.]
Ito ang naging post ni Mary Rose Amisola Ponce na isinalin sa salitang tagalog:
“Flex ko lang yung teacher namin sa HISTORY GEC 4 ma’am Airish P. Delfin na [habang nagututuro siya sa amin]. [Siya talaga ang nagdala kay baby Eros Chad Lagrimas na anak ni Elyn Rose Boniza Samirgal para lang makapag sulat ang Ina, siya talaga ang kumarga kahit pa nagsusulat din ito sa whiteboard.]
[Tapos ibinalik niya saglit ang baby kasi inaantok at isa pa meron din siya kinukuha.]
[Pagkabalik naman nito ay agad nanaman niyang kinuha si baby sa Ina nito para daw makapagsulat. At nagdidiscuss na naman siya habang karga niya si baby eros sa kaniya] Hanggang nakatulog at hanggang tapos na ang kaniyang oras, saka na niya ibinigay sa Ina. [I-share ko lng na nasa ganito ang lahat]
[Pero napakabait niya din talagang Teacher] Gustong-gusto namin siya. Patuloy mo ang iyong kabaitan]
No comments