Dalagita, nagnakaw ng mahigit ''2 Million Pesos'' para lang makabili ng K-Pop Merch




Naitampok sa Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) ang kwento ng isang dalagita kung saan nagnakaw diumano ng higit kumulang 2 milyong piso para makabili ng inaasam asam na koleksyon ng K-pop merch.

Pinangalanan ang dalagita na si Bea na tumutulong umano sa isang tindahan ng ina ni Jasmine.

Si Jasmine mismo ang ang nakahuli sa suspek at sa kanyang mga tinatagong K-Pop merch.


“May hinahanap ako nu’n sa closet ni Bea. Sa gitna ng mga damit, may nakapa akong parang matigas, mga photocard ng KPop! Tapos nu’ng chineck ko, ang daming boxes sa likod ng closet. Bundok-bundok na! May albums, binders, boxes, halo-halo! Mayroon siyang isang photocard na worth 50,000!” ani Jasmine.


Nang tinanong niya si Bea, dito na umano siya umamin na kumukuha siya sa tindahan ng ina ni Jasmine.


“Doon niya po inamin na kumukuha siya ng cash doon sa store ni Mommy kung saan siya tumutulong. Sobrang sakit ng ginawa niya,” pahayag ni Jasmine.

“Simula nitong January kasi, nagkakaroon kami ng financial problem. Nasho-short si Mommy ng 2.7 million sa business niya. Kaya tingin talaga namin, hindi bababa ng 2 million ang nagastos niya,” dagdag pa niya.


Nagi-guilty at nagsisisi naman umano si Bea sa kanyang nagawa.


“Hindi ko po in-expect na aabot ng more than 2 million pesos po lahat. Sobrang na-guilty po ako sa sitwasyon namin,” sabi ni Bea.

“Pinagsisisihan ko po ‘yung nagawa ko. Sorry po talaga,” pagpapatuloy niya pa.


Nagsimula raw maging fan si Bea noong taong 2017.

“Nag-start po ako maging KPop fan noong 2017. Na-discover ko ‘yung BTS through my classmates. Noon, pa-isa-isa lang binibili ko. Hanggang sa madalas akong nakakakita ng mga may collection sa TikTok kaya parang gusto ko na ring bumili. ''


Noong una ay sarili niyang pera ang ipinapambili niya ng kaniyang mga collection, hanggang sa naubos ang pera niya at dito na siya nagsimulang kumuha ng pera.

''Nu’ng una, pera ko po ‘yung pinanggagastos ko galing sa baon ko. Mga 300 to 400 pesos bawat piraso.Hanggang sa nagsunod-sunod. Nu’ng naubos na ‘yung pera ko pambili, nag-start akong kumuha sa kaha ng lola ko. Doon na po nagtuloy-tuloy.Hindi ko po in-expect na aabot ng more than 2 million pesos po lahat. ''

Sa ngayon ay handa namang ibenta ni Bea ang kaniyang mga nakolektang K-pop merch upang maibalik kahit paunti unti sa kaniyang lola ang mga nakuha nitong pera.

No comments