ID ng kauna-unahang empleyado ng Jollibee, trending ngayon !
Isa sa mga pinakasikat na fast food restaurant o kainan ngayon sa bansa ay ang Jollibee, kung saan sila ang may isa sa pinakasarap na pagkain, tulad na lamang ng pritong manok, spaghetti, french fries at kung ano ano pa.
Dahil sa mabilis na paglakas ng Jollibee ay hindi na lamang sa Pilipinas ito matitikman, maging sa ibang bansa ay mayroon na rin itong mga branches.
Kakailan ay nag trending sa social media ang larawan ng Identification Card or ID ng kauna-unahang empleyado ng unang branch ng Jollibee sa Cubao.
Makikita sa larawan ang ID ni Primo P. Bangero na mayroong employee number na 75-0001 na nangangahulugang unang empleyado noong taong 1975, ang taon kung kailan nagsimula ng negosyo ang engineering graduate na si Tony Tan Caktiong.
Ang unang branch ng Jollibee ay sa Cubao, Quezon City na nagbukas noong 1975 bilang Magnolia Ice cream parlor. Nang i-incorporate ang Jollibee noong 1978, mayroong 7 branch sa Metro Manila. Nagbukas ang unang franchised outlet ng Jollibee sa Santa Cruz, Manila noong 1979.
“Here is the work ID of Primo P. Bangero. He was the first employee of Jollibee in Cubao, Quezon City, in front of Coronet Theater in 1975,” ayon sa caption ng Filipinas page sa kanilang upload na agad nag-trending sa social media.
Isang netizen namang nagngangalang Gregg R. Apolonio Jr. ang nagsabi na nakatrabaho niya si Mang Primo na nasa ID. Kuya Prime daw ang tawag nila rito at talaga naman daw mabait ito, masipag, at talagang bagay sa kanya ang pangalan niyang “Primo” o “Prime.
“It was a pleasure meeting and knowing Kuya Prime (as fondly called). He is already in Jollibee Hildalgo, I’m already Crew then at Jollibee SM Cubao. Very “Kuya”, soft spoken, napakasipag, and deserving to be the #1 Employee of Jollibee! Tamang tama sa name niyang PRIMO o PRIME,” pahayag ng netizen.
Paglilinaw naman ng page, maaari daw na hindi pa Jollibee ang negosyo ni Tan Caktiong ay empleyado na nito si Mang Primo. Matatandaan kasing nag-umpisa ang Jollibee bilang isang ice cream parlor bago naging isang restawran.
No comments