Ina ng 4 batang plnaslang ng amain sa Cavite, humihingi ng tulong para sa pagpapaliblng




Nanawagan ngayon ang ina ng 4 batang pin@slang ng kanilang amain sa Cavite ng tulong para malpalibing ang mga n@matay na anak.

Kailangan ngayon ni Virginia Dela Pena ng P150,000 para maipalibing ang mga anak niyang sina Princess, Bianca, Jaclyn Coy, at Conrado na pawang pin@slang ng kanilang amain sa Trece Martires nitong Marso 9.


May natanggap naman daw siyang tulong sa gobyeno pero hindi raw ito sasapat sa kailangan niyang P150,000 na pangpalibing.

Nanawagan naman siya at naiwang anak na si Brenda Chavez sa pamilya ng dalawang dating kinakasama na tumulong.


"Sana kung may kulang man dadagdagan nila dahil pare pareho naman kaming namatayan," saad ni Dela Pena.

Una ng nagbigay ng P40,000 financial assistance ang ahensiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at inaasikaso na ang karagdagang tulong para sa pagpapalibing.


"Ang maximum naman po ng DSWD ay 50,000 pero titignan pa po natin kung ano kulang diyan. Kung ang babayaran niya ay umabot o lagpas kasi nga maximum 50k pero kung 20k lang eh depende kung magkano pa kulang nila," saad ni DSWD - Calabarzon Regional Director Barry Chua.

Una na ring sinabi ni Overseas Workers Welfare Administration head Arnell Ignacio na higit P50,000 financial assistance ang ibibigay nila sa pamilya.

Nagmakaawa rin naman  ngayon si Dela Pena sa dalawang dati niyang kinakasama na tigilan na umano ang paninisi sa kaniya kung bakit nawala ang kanilang mga anak.

Setyembre 2022 nang mag alsabalutan sa Batangas si Dela Pena dahil sa hindi nila pagkakaunawaan sa dating kinakasama.

Nanirahan siya sa Cavite dala ang apat na bata kasama na niya dito ang bago niyang nobyo.


Matapos ang 2 buwang pagsasama, umalis si Dela Pena pa-Saudi at pinaaalaga ang mga bata sa nobyo.

"[Sabi raw] Hindi raw mam@matay ang bata kung hindi ako naglandi sa ibang lalaki. Walang may gusto sa buhay na to. Samantalang noong mga buhay pa inetsapwera kami."

Minsan lang bumisita sa bur0l ang unang kinakasama ni Virginia na si Oliver, ama ni Princess.

Pero ang ama nina Bianca, Jaclyn Joy, at Conrado na si Conrado Bisa, wala na umanong sama ng loob sa dating karelasyon.

"Sa panahon na to wala na po ako magiging mensahe, nangyari na po yun, napatawad ko na rin siya," saad ni Bisa.

Abril na babalik ng Saudi si Virginia at sasailalim muna sa psych0social intervention.

Inaasikaso na rin ng OWWA ang scholarship na maaaring ibigay sa natitira niyang anak.

No comments