OFW, biglaang pinauwi ng amo sa Riyadh na passport lang ang dala; tinulungan ng mga kababayan sa airport
Viral ngayon sa social media ang pagtutulungan ng ating mga kababayan sa isang OFW na pinauwi ng kaniyang amo na passport at suot na damit lamang ang dala.
Nagtrending agad ang inupload na video ng isang Pinoy na si Lester Fernandez, kung saan itinampok niya na nagbibigay ng ambag ang mga Pilipino sa isang babaeng OFW na biglang pinauwi raw ng kaniyang amo.
Nakilala ang babae na si Veronica Amida, na nagtatrabaho bilang household service worker sa Riyadh, Saudi Arabia. Siya ay hinatid ng kaniyang among lalaki sa airport upang iligtas sa babaeng amo na nais siyang ipakulong.
Makikita sa video na labis ang hinagpis at dinanas nito sa kaniyang amo, wala rin daw pera at gamit ang pinadala sa kaniya, kundi ang kaniya lamang passport at suot na pang bahay.
Dito na nagtulungan ang mga kababayan niyang Pinoy na mag ambag ambag at bigyan siya ng pera upang may maiuwi sa Pilipinas. Siya ay nakatira ngayon sa Barangay Paso De Blas.
Sa update kay Veronica Amida, binista na rin siya ng mga opisyal ng Valenzuela upang kamustahin at bigyan ng bagong simula.
Valenzuela City Facebook Page:
SA MGA LARAWAN: Ngayong araw, Marso 7, 2023, ay binisita ni Mayor WES Gatchalian ang OFW mula sa viral social media post na si Veronica Amida ng Barangay Paso De Blas upang personal siyang kamustahin.
Habang nagtatrabaho sa Riyadh, Saudi Arabia bilang household service worker, siya ay nakaranas ng verbal at physical abuse mula sa kanyang among babae. Noong Marso 5, 2023, siya ay hinatid ng kanyang among lalaki sa airport upang pauwiin na sa Pilipinas at mailigtas sa among babae na kamuntikan na siyang ipakulong.
Upang matulungan siya sa kanyang bagong simula ay nagpaabot ng tulong pinansiyal at food pack ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela kay Veronica. Siya rin ay sasailalim sa medical at psychological assessement upang matiyak na maayos ang kaniyang kalagayan.
No comments