TIGNAN: Baller nasa loob ng bote ng kilalang softdrinks
Trending na ngayon ang mga larawan ng isang sealed na softdrinks na may lamang pulang baller sa loob.
Nag-viral ang ipinost ng netizen na si Mylene Lacanlale na taga Masantol, Pampanga, kung saan makikita na mayroong campaign baller diumano ni Pangulong Bongbong Marcos ang nasa loob ng sealed na bote ng Coca-cola.
Ayon pa sa uploader, wala itong halong "magic" dahil naka-seal pa ito mula nang kanyang bilhin.
Sa ngayon ay wala pang reaksyon ang kumpanya ng softdrinks pero hindi napigilan ng mga netizens na magkomento sa mga larawang ito.
"Unity flavored drink."
"Freebie?"
"Pakana yan ng mga... ."
"Keep that and don't open, its a collector's item for sure."
"Premium ata laman ng bote."
Ayon din sa ibang mga netizen ay nakaranas na din sila na mayroong mga kakaibang laman ang nabili nilang softdrinks sa tindahan, mayroong walis tingting, upos ng sigarilyo at kung ano ano pa.
No comments