Palm Sunday: Dumagsa na ang mga debotong Katoliko upang manalangin at magpabasbas ng kanilang palaspas
Palm Sunday: Dumagsa na ang mga debotong Katoliko sa iba't ibang mga simbahan para manalangin at magpabasbas ng kanilang mga palaspas.
Ang Palm Sunday ay hudyat ng simula ng Lenten season.
PALM SUNDAY!
Ang "Palm Sunday" ay isang kapistahan ng mga Kristiyano na natatapat sa araw ng Linggo bago ang Pasko ng Pagkabuhay. Ito ang unang araw ng Semana Santa.
Ginugunita ng kapistahan na ito ang matagumpay na pagpasok ni Hesus Kristo sa Jerusalem bago ang kanyang pagpapasakit sa kalbaryo.
Tradisyunal na may dalang palaspas ang mga kristiyanong magsisimba sa araw na ito, upang iwawagayway ang palaspas para mabendisyunan ng pari bago o pagkatapos ng banal na misa.
Sumisimbolo rin ang araw na ito sa taus- pusong pagtanggap ng ating mga kapatid na Katoliko kay Hesus bilang Panginoon at tagapagligtas.
No comments