PANOORIN! | Tatlong holdaper na nag-Viral, Arestado!


Kulong ang tatlong suspek sa panghoholdap sa Fairview, Quezon City matapos na mag-viral ang kanilang video na kuha ng isang rider na humahabol sa kanila.

Makikita sa video na hinahabol ng isang rider ang tatlong holdaper na nakasakay sa isang motor, bago ang kuha sa video ay nangholdap umano ang mga ito ng estudyanteng mag jowa na tinutukan nila ng patalim at inagaw nila ang bag na may lamang cellphone at wallet malapit sa isang mall sa Fairview.


"Sabi ko, anong nangyari? Hinoldap daw iyong estudyante. So hinabol ko. Malaking motor iyong dala ko eh, kaya naabutan naman natin kaya lang medyo nahirapan kami sumingit," sabi ni Lau.

Naisip daw ni Lau na sipain ang motor ng mga holdaper para agad na mahuli ngunit nagbago ang isip niya dahil wala umanong mga helmet ang mga ito na baka maaksidente at maging malala ang kondisyon ng mga ito,


"'Di ko naman puwede gawin kasi wala [silang] helmet. 'Pag sumemplang din iyon, siyempre inisip ko 'yung puwedeng mangyari. Baka pwedeng maaksidente, baka mamatay."

Naisip na lang ni Lau na pa-videohan sa kanya ang mga holdaper habang hinahabol nila upang mamukaan din ang mga ito at agad ding mahuli.


"Pag liko namin dito nang Zabarte Road, may pulis na naka-HPG na naka-wangwang at naka blinker. Tinawag namin kasi naisip ko kahit maharang ko wala na akong magagwa, may kutsilyo eh," dagdag pa ni Lau.

Sa ngayon ay nahuli na ang tatlong holdaper at nakakulong.

No comments