100 Nanay nakatanggap ng libreng Make-Over mula sa PNP Rosario ngayong Mothers Day
Bilang pagpupugay sa kadakilaan ng mga nanay ngayong Mothers Day, naghandog ang PNP Rosario ng libreng "make-over" sa 100 mga Nanay katuwang ang Salinas Gay Association LGBT Group.
Ito ang kauna-unahang proyektong isinagawa ng Rosario PNP at SAGA para sa mga dakilang ina na pinangunahan ni COP Rosario PNP, PMAJ Sandie Del Finado Caparroso at SAGA President na si Felmar M. Tanjeco.
![]() |
cavite connect |
Layunin ng proyekting ito na maipakita at maipadama ng mga kapulisan ang kanilanh pagmamahal at paggalang sa kapwa lalo na sa mga ilaw ng tahanan ng pamilya.
Ang proyektong make-over para sa mga nanay ay kinabibilangan ng libreng gupit, manicure, pedicure, foots spa, hair color, at make-up.
![]() |
cavite connect |
Labis na ikinatuwa ng mga Nanay ang ginawang programa ng PNP Rosario at SAGA, malaki ang pasasalamat nila dahil kahit sa saglit ay nakaranas silang gumanda at pahalagahan.
"Maraming salamat sa nakaisip nitong programa para sa aming mga ina ng tahanan. Matagal-tagal na rin akong hindi nagpapagupit dahil nanghihinayang ako sa 120 pesos na bayad sa parlor. Sayang yung 120 pesos, pambili ko na yun ng bigas at ulam", kwento ni Nanay Jessie Tisiorna ng Brgy. Silangan 1.
![]() |
cavite connect |
"Araw ng mga Nanay ngayon. Kami sa hanay ng kapulisan, ay patuloy na maglilingkod sa bayan at bawat mamamayan. Sa pamamagitan ng programa na ito, nawa ay napasaya namin sina Nanay", nakangiting paglalahad ni PMAJ Caparroso.
Kasama rin ang 7 nanay na nakahimpil ngayon sa Rosario PNP ang napabilang sa kanilang programa.
No comments