17-anyos, iniwan ang 2 batang kapatid sa bahay ampunan: 'BABALIKAN KO KAYO PAG MAY-WORK NA AKO'




Ipinangako ng 17-anyos na binatilyo mula sa Mandaue City, Cebu sa dalawang nakababatang kapatid na babalikan niya ang mga ito sa children's center kapag nagkaroon na siya ng trabaho.

Nagviral noong Mayo 12, 2023, ang 3 menor de adad na magkakapatid, matapos humingi ng tulong sa mga opisyal ng kanilang barangay ang 17- anyos na binatilyo dahil hindi na umano niya kayang buhayin at pakainin nang mag-isa ang mga kapatid.


Ang tatlong bata ay inabandona ng kanilang ina noon pang Marso dahil sa hirap ng buhay, at nasa kulungan naman ang kanilang ama dahil sa kasong may kaugnayan sa droga.

Ayon sa ulat ay pumayag na ang binatilyo na pansamantalang iwan muna at maalagaan ang mga kapatid niyang babae na 5 taong gulang at bunsong lalaki na 1 taong gulang sa Hope of Mandaue Enhanced (HOME) Children’s Center, habang siya ay mananatili din sa ibang lugar, kung saan maalagaan din ito ng maayos.



Napag-alaman din na may naghihintay na trabaho para sa kanya ang kanilang city hall kapag ang binatilyo ay tumungtong na ng 18-anyos itong darating na Nobyembre. Nangako rin si Councilor Del Mar at iba pang konsehal na tutulungan nila ito at bibigyan ng financial assistance.

Sa huling pagbisita ng binatilyo sa mga kapatid, sumumpa ito na magsasama-sama silang muli kapag maayos na ang kanyang kita.

No comments