3 Menor de edad, inaband0na ng kanilang ina; Panganay na anak humihingi na ng tulong sa publiko
Humihingi na ng tulong ang 17-anyos na binata sa mga opisyal ng pamahalaan at sa publiko dahil hindi na niya mapakain ang dalawa pa niyang nakakabatang kapatid matapos silang hindi na balikan ng kanilang sariling ina.
Ayon sa isang video, sinabi niya na iniwan sila ng kaniyang ina dahil hindi na nito umano sila kayang alagaan.
Limang taong gulang na babae at isang taong gulang na lalaki ang naiwan sa kaniyang pangangalaga.
Nasa kulungan naman ang kanilang ama dahil sa kasong may kinalaman sa dr0ga.
Ayon din sa post ni Tabok Mandaue Barangay Councilor Jen Del Mar, noong Marso pa daw iniwan ang mga bata ng kanilang ina.
"Atong gibisita ang 3 ka under-age children ages 17, 5 og 1 year old nga biyaan sa ilang Mama. Pila nah ka bulan wala sila gibalik sa ilang inahan so ang 17 years intawon ang nag atiman nila."
Makaraang mag-viral ang video, bumuhos naman ang tulong para sa magkakapatid na residente ng Brgy. Tabok, Mandaue City, Cebu.
Isa sa mga nagbigay-ayuda si Councilor Jennifer del Mar na kasama ang mga tauhan ng City Social Welfare and Services at mga opisyal ng kanilang barangay.
Pinakain rin ang magkakapatid sa isang sikat na fastfood restaurant.
No comments