92-anyos na lola, nag-aalala kung kanino ihahabilin ang kaniyang adopted child na may special needs kapag siya ay nawala na

Humihingi ng tulong ang isang senior citizen mula sa Fairview, Quezon City, para sa kaniyang anak na mayroong autism, hindi umano niya alam kung saan ihahabilin ang kaniyang 45-anyos na anak.
Kamakailan ay nag viral sa social media ang mag ina matapos manawagan ang isang concern citizen na matulungan at mabigyan ng atensyon ang dalawa, nanawagan din ito sa mga kamag anak ng matanda.
Ngunit kinontra naman ito ng kanilang kapitbahay na ang matanda raw ay may sakit na makakalimutin na at hindi naman daw ito pinapabayaan ng kaniyang mga kaanak.
Sa kabila ng katandaan at may nararamdamang sakit inaalala pa rin niya ang magiging kalagayan ng kaniyang anak.
Ang mga kapatid daw ng matanda ay nasa ibang bansa.
“Syempre, pag nawala na ako pano na siya? All my sisters are in States, wala akong mga kamag anak dito. Ewan ko if they will accept it kasi sila may pamilya rin. Hindi ko alam kung sino lalapitan ko. Kanino ko ihahabilin?”
Noong araw daw ay gusto ng kaniyang mga kapatid na sumama siya sa mga ito sa ibang bansa, ngunit hindi magawa ng matanda dahil napamahal na ang bata sa kaniya.
“Ang gusto nila nung araw 'pag nakikita ako give her up and I will go to States with them. Pero di ko naman magawa. Napamahal na sakin ang bata,”
Kamakailan ang kaniyang anak ay inatake ng stress at biglang nasaktan ang sarili.
Sa tulong ng Barangay Officials at DSWD (Department of Social Welfare and Development) nadala sa pagamutan ang matanda kasama ang kaniyang anak.
Nangako rin ang Kapitan ng Barangay Fairview na si Jonel Quebal na kung sakaling kailangan na rin na may mag alaga sa anak ni Nanay ay nandiyan sila at ang pamahalaan upang tumulong.
Handa rin magbigay ng pinasyal na tulong ang DSWD para sa mag ina.
"Ang inyo naman pong DSWD ay merong tinatawag na mga residential facilities ano na kung baga nagbibigay ng tulong dun sa assisted living kung baga nursing home po ng ating mga kababayan na may special needs din,” DSWD spokesperson Rommel Lopez.
No comments