Anak ng tricycle driver at vendor, pasok sa 30 Universities Abroad na may P106 Million worth na Scholarship
Lubos-lubos ang pasasalamat ng isang high school student mula sa Bacolod City dahil sa kabi-kabilang alok na scholarship mula sa mga international universities.
Siya si Julian Martir ang pinakabata sa 4 na anak ng tricycle driver at vendor mula sa Bacolod City.
Aabot sa $1.9 milyon o P106 milyon ang offer na scholarships kay Julian Martir.
Labis ang pasasalamat niya at natanggap siya sa mga paaralan sa ibang bansa dahil makakatulong siya sa mga magulang at komunidad.
“I am very proud of myself for getting accepted to these highly esteemed schools and I am excited to contribute to our community by bridging the disparity between science and technology. Thank you to everyone who recognizes how determined and thoughtful I am about my own growth,” aniya.
Kabilang sa mga paaralan sa US at UK na tumanggap sa kanya ang The University of Texas at Arlington, New Jersey Institute of Technology, Webster University, Ball State University, University of Massachusetts Dartmouth, University of Connecticut, The George Washington University, at Fordham University.
Ang iba pa ay ang Michigan Technological University, The University of Arizona, The University of New Hampshire, Drexel University, Johnson and Wales University, University of Massachusetts Boston, Stony Brook University, the University of Colorado Boulder, Clemson University at Richmond, at The American International University in London.
Pasok din si Martir sa Ohio Wesleyan University, Clarkson University, Hofstra University, Marquette University, Alfred University, Xavier University, Duquesne University, DePaul University, Regis University, Simmons University, Woodbury University, at Kent State University.
Kwento ni Martir, isang taon siyang huminto ng pag-aaral matapos mag-graduate sa high school para ayusin ang college applications sa tulong ng mga YouTube videos at mga admission experts na naka-chat niya sa WhatsApp.
No comments