Babae pinakasalan pa rin ang namayapang Boyfriend : ''TILL DEATH DO US PART''
Nagpakasal ang isang babae sa kaniyang namayapang kasintahan nito lamang Sabado, sa Guihulngan City, Negros Oriental.
Suot ang wedding gown, nagtungo si Mary Jane Escribano, sa burol ng kaniyang boyfriend na si Jestoni Haincadto, upang ituloy kanilang kasal, nitong May 13.
Nakatakda sana ang araw ng kanilang kasal sa susunod pa na buwan (June), ngunit sa kasamaang palad ay nasawi si Jestoni sa araw ng kanilang ikalimang anibersaryo bilang maagkarelasyon.
Ginanap ang pag-iisang dibdib nina Mary Jane at Jestoni, isang araw bago dalhin ang lalaki sa huling hantungan nito.
Atake sa puso ang dahilan ng pagkawala ni Jestoni.
No comments