Ben Tulfo, Binalaan si Rendon Labador tungkol sa pangbabastos nito kay Michael V.
“MAGHINAY-HINAY KA LANG SA BANTA AT BINIBITAW MONG SALITA AGAINST MICHAEL V.”
Yan ang babala ng BITAG Host at Producer na si Ben Tulfo kay Rendon Labador na isang Content Creator noong biyernes ng umaga.
Tungkol ito sa bastos na sagot ni Rendon sa ibinahaging post ng kilalang Comedian at Aktor na si Michael V.
Tungkol ito sa bastos na sagot ni Rendon sa ibinahaging post ng kilalang Comedian at Aktor na si Michael V.
Narito ang mga patutsada ni Ben Tulfo kay Rendon Labador.
“Ako sa totoo lang, Rendon matagal-tagal na ako sa media bilang isang journalist at public service, actually dati akong DJ marami na akong nakaaway at nakakabangga na pasaway na katulad mong makitid ang utak" ani ni Ben Tulfo
"Gusto lang kitang i-punching bag sa mukha, eh ako, rendon mix martial arts ako kayang-kaya kong manapak, at manipa pero si Bitag, matapang din kaya ilabas mo yang tapang mo, boy huwag sa video humarap ka dito sa Bitag talagang malilintikan ka, lahat nalang ng mga sikat na influencers at media binabanatan mo, kung sinu-sino nalang ang binabangga mong kumag ka huwag ganun," dagdag pa nito
'‘Because you’re brain is tall at small and their sucks, stop wasting your time and money, kawawa ka naman, rendon kaya walang gustong bumili ng ticket at upang manood ng cooking show restobar mo kasi medyo pangit sa bibig yung lumalabas ka video mo mukha kang kenkoy kolokoy ka, nag-aaksaya ka lang ng laway’'
"Sana yang utak mo gamitin mo sa tamang paraan, hindi puro yabang lang ang dinadaan mo sa kabobohan mong video”
"Subukan mo lang akong i-mention mo ako sa video mo, at mabanggit-banggit ng ganyan huh talagang makakatikim ka sa akin baka maiputan kapa sa mukha mo na may putok sa buho!"
Wala pang sagot si Rendon Labador ukol sa pahayag na ito ni Ben Tulfo.
Nagbigay na rin ng babala at paalala si Ben kay Rendon.
“Hindi porke media titirahin mo ng ganyan, ako media personality lahat nalang binabangga pero sa akin hindi pupuwedeng banggit banggitin ang pangalan ko”.
At may pahabol pa ito bago matapos ang programang Bitag Live
“Sinasabi ko lang, maghinay-hinay ka sa banta mo at binibitaw mo against Michael V.
Napakatalinong taong yan walang tinatapakang tao yan at maraming humahanga at nagmamahal sa fans niya tapos gaganyanin at babastusin mo lang sa vlog, eh ikaw kaya ang ganyanin ko, anong pakiramdam mo dun, huh?"
"Alam mo si Michael V. Kaibigan at kumpare ko yan inaanak ko yung unica hija niya at maayos siya nagpapaalam sa akin kung gusto nyang gayahin ang programa ko upang gawin ang parody version sa comedy show sitcom niyang #BubbleGang na halos tatlong dekada nang namamayagpag sa telebisyon at palagi niyang nababanggit ang BITAG, ginawa niyang ‘Sumbong-sumbong, Kay bonggang bongga Bongbong’."
" Alam mo gusto mo lang kumita sa video para yumaman ka kaya lang napaka hambog mong tao ka eh, hehe tao ka nga ba talaga huh rendon o sadyang yang utak mo may putok sa buho! Kung pwede nga lang ako mismo ang titira sa’yo ng ganyan, eh. Read my lips!"
No comments