Christian Merck, sinupalpal at ni-real talk si Xander Ford ! hinggil sa pagsingil nito ng P349K sa kaniya
Dineny ng vlogger na si Makagwapo na nangako siyang sasagutin ang binyag ng anak ng isang social media personality na si Xander Ford o Marlou Arizala sa totoong buhay.
Sa ipinost niyang video sa kaniyang vlog, iginiit ni Makagwapo, Christian Merck Grey, na hindi niya babayaran ang P349,000 na nagastos daw ni Xander, sa binyag ng anak nito na si Xeres.
"Yung binyag sa anak ni Marlou, wala talaga akong ipinangako doon...Hindi ko responsibilidad 'yang anak mo, responsibilidad mo 'yan," giit ni Christian Merck.
Ipinaliwanag din niya na hindi rin daw siya kinuha ni Xander na magninong sa bata, wala rin daw itong ibinigay na imbitasyon.
"Bukod sa hindi mo na nga ako kinuhang ninong, hindi mo pa ako inimbita. Ngayon, may utang pa ako sa 'yo na 349,000?"
Ipinaalala rin ni Makagwapo kay Xander na hindi gatasan ang mga ninong at ninang.
"Ang ninong, sila magga-guide sa paglaki ng anak mo, hindi sila 'yung aasahan mong sumagot ng pabinyag ng anak mo," aniya.
"Kaya ka kumuha dapat ng ninong para gabayan 'yung anak mo, hindi para sa pera," dagdag pa ni Makagwapo.
Matatandaan na galit na galit na siningil ni Xander si Makagwapo sa nagastos niya para sa binyag dahil nagboluntaryo umano ang huli na aakuin ang kalahati ng gastos.
"Merck ganto nalang bayaran mo nalang yung 349k na ipinangako mo sa amin kasi yun lang naman yung gusto ko ipag paban dito edi sana hindi nalang muna kami nag pabinyag kung alam ko lang na hindi mo tutuparin yan," himutok ni Xander.
Narito ang kwento ni Xander Ford sa kaniyang Facebook Live na pagpapaasa sa kaniya ni Christian Merk.
"Buntis pa lang si Jenna, nagsabi ako sa kaniya, sabi ko, 'Merck, pupwede ba na humingi ako ng tulong sa 'yo?' Sineen niya ako.
Nu'ng nanganak na asawa ko, nag-chat ako sa kaniya, sabi ko, 'Kuya Merck, nanganak na 'yung asawa ko, sana mabigyan mo ako ng tulong.' Hindi siya nag-seen.
Mga March, bibinyagan ang anak ko, nag-chat ako sa kaniya, sabi ko, 'Kuya Merck, kukunin kitang ninong.'
Sabi niya, 'Sige, Lou, ako bahala, sagot ko na kalahati ng handaan niyo, pati 'yung venue niyo ako na bahala, bibigyan kita ng P349,000.'"
– Xander
No comments