Isang Sanggol, Natagpuang Nakasilid sa Bag na Iniwang Nakabit sa Gate sa Cotabato!


Marami na ang nauulat na ang mga sanggol ay inaabÄnduna ng kanilang magulang. Maswerte ang ilang mga sanggol dahil buhay sila at walang anumang masÄmang nangyari sa kanila ngunit ang ilan sa kanila ay hindi na pinapalad na mabuhay. Ngunit ano nga ba ang dahilan ng mga magulang ng mga kaawÄ-awÄng sanggol? Bakit nila ito nagagawa sa kanilang sariling anak?




Viral naman ngayon ang larawan ng isang sanggol na nakasailid sa loob ng isang bag. Ang bag ay natagpuang nakasabit sa gate ng isang bahay sa Purok Aquino, Barangay San Miguel, Norala, South Cotabato kaninang umaga.

Ayon sa netizen na nag bahagi ng larawan, bandang 5:30 ng umaga umano kanina nang marinig ng tauhan ng kanyang tiyuhin ang pag-iyak ng sanggol.





Dahil dito, mabilis niyang hinanap kung saan ang pinanggagalingan ng iyak at natagpuan nga nito may nakasabit na bag sa gate ng tiyuhin nito. Nang buksan ang bagpack ay natagpuan ang sanggol na lalaki.

Agad naman ipinaalam ni Mary Kris Aquino-Dela Cruz, uploader ng naturang larawan, ang nakitang sanggol sa opisyal ng kanilang baranggay at idinala ito sa ospital.

Ayon pa kay Mary Kris, nasa kostudiya na ng Deaprtment of Social Welfare and Development Region 12 ang sanggol.




Narito naman ang ilang komento ng mga netizens:

"Wag nalang sana mag judge kung sino nagkamali, isipin nyo nlang na napabuti ang baby hindi natin alam ang pinagdaan ng magulang ng sangol,... Just pray and god blessed with you baby..."

"Kong ano man ang dahilan ng mga magulang ni baby kong bakit kailangan syang Iwan nito
Thank God kasi binohay parin nila Yong baby at sinigurado na MA pupunta sa mga taong may mabubuting kalooban"





No comments