Manila Post Office, Nasunog ! National ID's, Parcel at mga Sulat, pinangangambahang nasira lahat.
Hindi bababa sa 36 truck ng bumbero at mga volunteer ang kailangang rumesponde sa malaking sun0g na naganap sa Manila Central Post Office sa Lawton, Maynila ngayong Lunes ng umaga.
Ayon sa ulat, nagsimula ang apoy sa loob ng antigong gusali pasado alas-11 pa kagabi.
Ayon sa Bureau of Fire Protection, itinaas ang general alarm dakong 5:54 AM. Tinatayang nasa P300 milyon ang pinsalang dulot ng insidente.
Naideklarang fireout na daking alas-8 ngayong umaga.
Nagpapatuloy pa rin ngayon ang imbestigasyon ng BFP sa sunog.
Nagpahayag ng labis na kalungkutan ang mga netizen sa social media hinggil sa nangyaring sun0g sa Manila Central Post Office, na kinaroroonan ng opisyal na punong-tanggapan ng Philippine Postal Corporation."Paalam, national ID," sabi ng mga netizen
Ang Manila Central Post Office, o mas kilala sa tawag na Post Office Building, ay ang pangunahing postal office ng Maynila, ito ay nagsisilbi ring tahanan ng Philippine Postal Corporation.
Naglalaman din ito ng mga main mail sorting-distribution operations ng Pilipinas.Ang orihinal na gusali ay idinisenyo nina Juan M. Arellano at Tomás Mapúa sa neoclassical na istilo.
Nagsimula ang pagtatayo ng gusali noong 1926 sa ilalim ng pangangasiwa ng kumpanya ng arkitektura ng Pedro Siochi and Company. Gayunpaman, ito ay malubhang napinsala noong World War II sa panahon ng Labanan sa Maynila at pagkatapos ay itinayong muli noong 1946 habang pinanatili ang karamihan sa orihinal nitong disenyo.
No comments