Mga donasyon at abuloy sa namayapa niyang anak, ipamimigay niya sa mga batang nangangailangan



Nag viral sa social media si Mico Arcoseba, tinaguriang "Batang Ama" matapos siyang itampok at ang kaniyang may sakit na anak sa isang video ni Bacha TV.

Nakatanggap ng mga donasyon at tulong ang anak ni Mico, na si Diana Rose o Mica sa tulong ng nag viral na video, ngunit sa kasamaang palad ay namayapa na rin ito.


Napag-alaman din sa FB Page ng Bacha TV na balak ni Mico na ipamigay nalang sa mga batang nangangailangan ang mga natanggap nilang tulong na para sana sa kaniyang anak.

Naiyak siya sa ng bisitahun niya si Mico at malaman ang mga plano nito sa mga nakuha niyang tulong.



"Nakakaiyak (ang) pag punta ng batang ama! Gusto niyang idonate ang mga natanggap ng kanyang anak sa mga batang nangangailangan," ani ni Bacha TV.

Hindi niya aakalain na habang ipinagluluksa ni Mico ang anak ay maiisip pa nitong tumulong sa ibang bata.

"Sobra akong humahanga dahil sobra talagang bait mo at naiisip mong idonate din ang mga natatangap mo sa mga nangangailangan," sambit niya sa "Batang Ama."

Panoorin ang kwento ni Mico Arcoseba at ang anak niyang may sakit.

No comments