Neri Miranda, pinapahanap ang single mom na mag isang nag-aalaga ng triplets na anak
Sa isang IG post ni Neri Naig-Miranda (asawa ni Chito Miranda), humihingi siya ng tulong na mahanap ang nag-viral na solo parent ng triplets niyang anak, matapos siyang abandonahin ng kaniyang mister.
“Kung sino po ang may kakilala kay Mommy Mariz, kindly tell her po hinahanap ko po s’ya,” caption sa post ni Neri sa kaniyang Instagram ngayong Linggo, Mayo 21.
“Will share po Babyflo products and Moosegear diapers po sa triplets n’ya para kahit papaano po makabawas po sa poproblemahin nya sa gastusin. Bigyan ko rin po ng puhunan pang-negosyo. At kung ano pa po ang kayang maitulong kahit papaano…”
“Mommy Mariz, isang mahigpit na yakap po. Magpakatatag ka para sa mga anak mo,” ani Neri.
Ang super mom na nag-viral ay si Mariz Sharmaine Matibag, 29 taong gulang, mula sa Quezon City. Ipinanganak niya ang kaniyang triplets noong January 11, 2023 sa Ortigas Hospital ang Healthcare Center.
Ayon din sa kaniyang kwento ay labis na hirap ang kaniyang dinanas mula sa kaniyang pagbubuntis, physically at mentally.
Matapos kasing mamatay ang kaniyang ama ay doon niya nalaman na buntis siya, di lang isa kundi tatlong bata, labis din ang kaniyang pag-aalala dahil ang ibang kaso ng ganitong pagbubuntis ay maliit ang chance ng survival ng mga bata.
No comments