Studyante pumanaw matapos lumabas na pasado siya sa LET exam.



Nakakalungkot na pumanaw sa masasayang araw sana ang isang aspiring teacher na si Jessa Ganigan, 20 years old.

Si Jessa ay pumasa sa kanyang Licensure Exam for Teachers (LET) na idinaos noong nakaraang taon lamang, subalit masakit para sa kanyang mga pamilya dahil kasabay ang masasayang balita na magiging ganap na guro na ang kanilang anak.


Kasabay sa paglabas ng resulta sa kanyang exam ay pumanaw si Jessa Ganigan dahil sa kanyang malubhang sakit na iniinda.

Si Jessa ay na diagnosed sa sakit na stage 5 chronic kidney disease noong June, 2018 na mahigit na niyang isang taon nilalabanan ang kanyang sakit.


Ngunit sa kabila ng kanyang karamdaman ay hindi nagpatalo si Jessa sa kanyang sakit at patuloy itong nagsumikap sa kanyang pagaaral, sinikap niyang mag review ng maayos upang maging handa siya sa kanyang paparating na LET exam.

Ani pa ng ina ni Jessa na dati siyang guro, kaya naman pursigido si Jessa na matapos ang kanyang pagaaral para sundan niya ang yapak ng kanyang ina, para na rin makatulong siya sa kanyang pamilya lalo na’t ang kanyang ama ay isang magsasaka.

Nakapagtapos sa wakas si Jessa ng Bachelor’s degree in secondary education at pangarap niyang magturo ng Technology and Livelihood Education (TLE) sa gusto nitong paaralan.

Habang nagda-dialysis si Jessa ay hindi niya pinababayaan ang kanyang pagaaral, siya ay nagda-dialysis dalawang beses sa isang linggo at balak din sana nilang magpa-kidney transplant para tuluyan na siyang gumaling mula sa kanyang karamdaman.


Kapag free time naman ni Jessa at walang school works, tumutulong ito sa kanyang pamilya na magtinda ng isda, talaba at nagbabantay din ng kanilang flower shop.

Kaya naman hindi mapigilang lumuha ng kanyang ina dahil sa palaban ang kanyang anak, determinado at matapang na lumaban sa kaniyang sakit.

Nakaconfine na si Jessa sa isang ospital noong lumabas ang resulta ng LET exam nito.

Pinagawan rin siya ng isang tarpulin ng kanyang mga mahal sa buhay at isinabit ito malapit sa kanyang hospital bed.

Matapos nila malaman ang resulta ng LET exam na pumasa nga si Jessa ay dito na siya binawian ng buhay, sobrang nakakalungkot man ang mga pangyayari pero masaya parin sila para kay Jessa dahil natupad na nito ang matagal niyang pinapangarap na maging isang ganap na guro.

Pahayag NG INA NI JESSA :

“I was very proud of her because of her braveness, [to have] a daughter with a strong fighting spirit and determination to fulfill her chosen course,”

No comments