Xander Ford, nagpapatulong para masingil sa ninong ng kaniyang anak ang ipinangako raw nitong P349K




Nagpapatulong na si Xander Ford o Marlou Arizala sa kaniyang mga kakilalang social media personality upang mahabol at masingil niya ang ipinangako diumanong P349K sa kinuha niyang ninong para sa binyag ng kaniyang anak.

Pinangalanan niya ito sa social media, ito ay ang vlogger na si Christian Merck o mas kilalang "Makagwapo".


Matatandaan na noong matapos ang binyag ng kaniyang anak ay naglabas siya ng mga post na hinanakit para sa mga taong nangakong pupunta sa binyag ng kaniyang anak subalit hindi naman ng nagpakita o nagparamdam sa nasabing okasyon.

At sinabi na nga ni Xander Ford na ang vlogger na si Makagwapo ang kaniyang tinutukoy sa kaniyang post.

Ayon kay Xander, nangako raw si Makagwapo na sasagutin ang kalahati ng gastos sa pagpapabinyag niya sa kaniyang anak na si Baby Xeres at bibigyan din siya ng nabanggit na halaga ng pera.

Sa kaniyang latest Instagram post, makikitang kasama ni Xander ang isang vlogger rin si Awitgamer at naging kaalitan ni Christian Merck.


Nagpapatulong daw si Xander upang makausap nang personal si Makagwapo at matapos na ang problema nilang pinagpipiyestahan ngayon sa social media.


“THANK YOU AWIT SA TULONG,” ani Xander sa caption ng kaniyang Instagram post.


Sari sari naman ang reaksyon at komento ng mga netizen patungkol sa pagrereklamo ni Xander at pagsingil niya dito sa ninong ng kaniyang anak. 

“Move on na Xander nairaos muna binyag ng anak mo di ka na lang magpasalamat na galing sa sarili mong sikap yung pinangbinyag mo sa anak mo. Wag ka umasa sa tulong ng iba para di ka din na disappointed sa ibang tao. At wag na wag mo iasa sa iba ang RESPONSIBILIDAD MO SA ANAK MO. MAGPAKATATAY KA IPAKITA MO SA ANAK MO NA KAYA MO SYA PALAKIHIN NG WALA KANG INAASAHAN NA IBA!”

1 comment:

  1. Ikaw na panghoy Xander obob ka oh talagang kapal Mukha ka talaga kulang kalang pansin obob....

    ReplyDelete