Bayani Agbayani Proud na proud sa kaniyang anak na nakapagtapos Bilang "Summa Cum Laude" sa kursong Tourism.


Sa isang social media post, ibinahagi ni comedian-host Bayani Agbayani na nagtapos ang kaniyang anak na babae bilang summa cum laude sa kursong tourism.

Natapos ni Rosalinda ang kursong Bachelor of Science in Tourism Management Major in Travel Operations and Service Management sa University of Sto. Tomas (UST).


Kabilang siya sa mga nagmartsa sa face-to-face graduation ceremony ng UST nitong Huwebes, June 15, 2023.

Sa mismong araw ng pagtatapos ni Rosalinda ay masaya at proud na ibinahagi ni Bayani sa kanyang Instagram ang karangalang nakuha ng anak.

Kalakip ng post ng dating Tropang LOL host ang litrato nila ng anak at ng kanyang asawa na si Lenlen na present din sa nasabing graduation ceremony.

Labis namang ipinagmamalaki ni Bayani ang achievement na ito.

Kamakailan lang ay naging proud din ang komedyanteng si Jayson Gainza sa pagtatapos ng kaniyang anak bilang cum laude sa kursong psychology

No comments