Isang Ina labis ang galit' dahil sa pagkukulang ng Hospital' binawian ng buhay ang kanyang anak!


Bato bato sa langit tatamaan mga Nurses at Doctor sa Rugay General Hospital.
"Mawalan din sana kayo ng anak tapos yung rason ng pagkawala ng anak nyo dahil sa kapabayaan ng mga Nurse at Doctor" (kung pwede lang at hindi masamang magisip sa kapwa ng ganyan)
- Share ko lang kung bakit nawala anak ko.


Na Cesarean po ako May 4, 2023 at 2:26am nailabas na sa tummy ko si baby, after ko ilabas sa operating room dinala ako sa recovery room ng ilang minuto at dineretso napo sa pinaka Room namin. Around 10am nagtanong ang nurse samen kung my magaalaga kay baby, anim na oras makalipas pagkatapos ako ma CS. Sabi ng nurse ok naman daw si Baby my infection lang na madadaan naman sa Gamot at kung my magaalaga na daw kay baby pwede na namin sya makasama. 


So dahil gusto ko ng makita anak ko at kasama ko naman nanay ko na mag aalaga ky baby kinuha namin si baby at sobrang healthy ni Baby Dion Gavin ko. Okay si baby hanggang sa kinabukasan nadidilat nya na mga mata nya, umiiyak kapag gusto dumede o kapag my pupu sa diaper. 

May 5, 2023 nakakatayo nako naaalagaan ko na si baby around 5pm umiyak sya kala namin nagugutom lang kaso pinadede namin ayaw nya chineck ang diaper wala namang laman iyak lang sya ng iyak tapos tumatahan si baby mga ilang minutes lang tapos iiyak ulit. Pass 6:00pm tinawag namin ang nurse kase nga umiiyak si baby pinuntahan ng nurse at ang sabi baka nilalamig lang si baby kaya binalot niya sa kumot at tumahan si baby pag alis ng nurse umiyak ulit sya. Around 8pm pinuntahan ulit ng nanay ko ang nurse na tgnan si baby kase nga ayaw tumigil ng kakaiyak sabi ng nurse nung pag punta nya normal lang sa daw sa new born ang maglambing.

Tumatahan si baby ng ilang minuto lang hanggang sa mag 10pm umiiyak na ulit na derederetso at iba na ang pakiramdm ko na parang my mali sa anak ko kaya sabi ng nanay ko ibalik namin sa NURSERY si baby para maobserbahan nila kase kinakabahan na kami ng nanay ko. 

Kaso sabi ng mga Nurse walang naka duty sa Nursery kaya ginawa ng nanay ko pinuntahan nya ang Nursery kung wala nga at ayun wala nga. Pinuntahan ulit kmi ng nurse at sinabing normal lang daw sa bata ang umiyak naglalambing lang daw, sinabihan pa ang nanay ko na PARANG D NAGKAANAK PARANG D NA EXPERIENCE MAGKA ANAK AT MAG ALAGA NG BABY. 

karga ko lang ang anak ko hanggang sa mag aalas dose n ng hating gabi ni d paden dumedede anak ko sinabi dn namin sa nurse kaya kada pinupuntahan nila anak ko kinakarga nila at pilit na pinapadede na ayaw naman dedehin ng anak ko. Normal pdin daw sabi ng mga nurse lahat ng nirereklamo namin. Hindi naman daw nila ibibigay ang baby samen kung d ok si baby at lumabas naman na ang new born screening nya okay naman din daw. 

Hanggang sa mag aalas dos na nakiusap ako sa Nurse na gusto ko ng iemergency ang anak ko ang sagot pa saken normal lang daw talaga sa new born maglambing. Pinilit ko ulit na iemergency sabi naman ng isang nurse WALA DAW DOCTOR. Yung mga nurse na bumibisita at tumitingin kay baby my Pasyenteng mas tinututukan nila ng pansin my sumagot pa sa kanila na my binabantayan daw kase silang pasyente kaya naka suit sila. Alas tres alas kwatro nangungulit kami tungkol kay baby ko normal pden daw ung doctor daw kase 7 pa dadating ung pedia ng baby ko. Hanggang sa mag 5:40Am na my nurse na na check ng BP ko. 

Si baby nasa kuna at d inaalisan ng tingin ng nanay ko wala kaming tulog na dalawa kase binabantayan nmin si baby. Hanggang sa pagalis ng nurse wala pang 30 sec na mawaglit ng tingin si nanay sa anak ko dahil my kinuha lang saglit sa likuran nya pagbalik ng tingin nya sa anak ko parang d na daw gumagalaw at yun na nga HINDI NA GUMALAW YUNG BABY KO KASE NAUBUSAN N NG OXYGEN!!!!! sumigaw na kami ng nanay ko at saka palang kayo gumawa ng paraan saka palang kayo nagpanic ng wala ng hininga anak ko!!! 

My konting heartbeat nlng si baby ko non!! ang tagal nyong pinapump anak ko ung pang pump nyo sira pa!!!!! Natatanggal ung host sa my oxygen!!! Hanggang sa dumating na ung pedia ng baby ko pinump lang dn nya my heartbeat si baby pero mahina lang kaya nagdecide na itransfer sa ibang hospital sa Castro Maternity Hospital and Medical Center official.

 Ang malala pa sabi ng nurse wala daw ambulance sabi ng Pedia ng baby ko sino tatawag ng Ambulance sabi pa ng nurse Kami daw tatawag! Nakakapuny*t*! Sumigaw ako kase bakit kami pa??!! Sila my pagkukulang!! 

Nag offer ung Pedia ng baby ko na sa sasakyan nalang nya. Dinala na sa Castro baby ko naiwan ako sa Rugay kase d pako na didischarge. Nanay ko kasama ng baby ko. Pagtawag saken ng nanay ko nung nandun na sila sa Castro kinausap ako ng Doctor dun na sobrang hina na ng baby ko, pero sabi ko hanggat my heartbeat pa anak ko gawin nyo lahat ng pwedeng gawin!! 

Hanggang sa na ICU na baby ko nacomatose na baby ko . Yung mga nurse sa Rugay d makatingin saken ng deretso kse alam nyong nagkulang kayo at kasalanan nyo mga wala kayong kwenta!!! pagkadischarge ko sa Rugay nagbayad kmi ng 95k sa rugay na wala namang silbe!!!! D worth it ung binayad namin sa inyo! Pagdating ko sa castro d ko iniwan anak ko nagstay padin ako para kada mag aupdate ang doctor nandun ako wala akong iniindang sakit sa pagkakahiwa saken wala akong maramdamang saket sa katawan ko kundi puro sakit sa puso nararamdaman ko! 

Ang dami naging findings kay baby ko bandang hapon sabi ng doctor lumalaban ang baby ko kaya inilalaban din namin sya lahat ng pdeng gawin gawin para lang masave anak ko. Kinausap na kmi ng isa pang doctor nung May 6 around 9pm at sinabing namaga ang utak ng anak ko d na nag ffunction ang brain stem nya at isa sa cause na pagkamaga ng utak ng anak ko dahil sa pagkawala ng oxygen nya Parang guguho na mundo naming mag asawa sa mga nangyayari pero laban padin kami d ako makatulog pinagdarasal ko na my himala na dumating sa baby ko hanggang sa abutin na ng umaga 7:00 am May 7, 2023 tinapat na kmi na sobrang hinang hina na si baby aparato at mga gamot nalang nagpapatibok ng puso nya kulay violet na din daw si baby pinpatgnan saken kaso d ko tinignan kase hindi ko kayang makita syang ganun at d ko alam kung ano dn pdeng mangyari saken si nanay at asawa ko nalang nakakita kay baby at sobrang nahihirapan na anak ko hinang hina na daw kulay violet na at pinagdedecide na kmi kase wala na din silang magagawa Pinalaya na namin ung anak namin sobrang sakit sobra sobrang sakit!!! Hanggang ngayon! Kung pwede lang namin paghatihatian naranasang hirap ng anak ko kami nalang!

Kaya kayong mga Nurse sa rugay at ung Doctor na tumingin sa anak ko nasan yung konsensya nyo? D mangyayari lahat ng yan kung inagapan nyo. Kung nakinig kayo samen! Ina din kayo pero ina nyong lahat mga wala kayong kwenta bakit pa kayo nagaral nagtapos at nagtrabaho kung d nyo kayang gampanan panunungkulan nyo sa trabaho!!
 
Alam ko my plano ang Diyos my rason ang lahat pero maiiwasan ko bang d isipin lahat ng nangyari?? NGayon lang ako nagpost kse ngayon kaya ko ng ishare sa lahat kung anong nangyari sa anak ko.

Alam kong masama ang ipanalangin na sana mawalan din kayo ng anak para maramdaman nyo nararamdaman ng isang inang sabik sa yakap at halik ng anak Kakapanganak ko palang at ung utak ko d na alam ung gagawin para maging ok ako. Para maiwasan ung Postpartum dep. Nato.
NAgpapasalamat ako sa mga taong sumuporta samen at d kami iniwan sa laban ng anak ko at hanggang ngayon na anjan para patatagin kami ng asawa ko

Tahimik lang kami sa ngayon. Sa mga taong (tao nga ba kayo?) Nurse at Doctor ng Rugay Diyos na din bahala sa inyo..
Hindi ko sinisiraan ang Hospital nato shinare ko lang kung ano ang nangyari sa baby ko at kung paano kami ginawang mangmang na sinabi ng mga nurse at doctor normal lang ang pagiyak ng baby ko.

Mahal na mahal kita Dion Gavin I. Dana.

Ikaw ang Angel namin ni Daddy mo. Hanggang sa muli nating pagkikita at Pagsasama anak.

Source:Pilipinas News

No comments