Jhong Hilario nagtapos ng "Magna Cum Laude" sa kursong Political Science


Sa ulat ng “TV Patrol” kagabi, makikita ang pag-akyat ni Jhong sa stage upang tanggapin ang kanyang medalya at diploma.

Sa edad na 46, ga-graduate bilang magna cum laude si Jhong Hilario sa kursong Political Science sa Arellano University.


Si Jhong ay isa sa mga host ng programang ‘It’s Showtime’.

Habang nasa gitna siya ng entablado ang tunaguriang “Sampol King” ay bigla siyang hiniritan ng kanyang batchmates na magbigay ng pasambol. Pinagbigyan naman ng aktor ang hiling ng mga kapwa graduates.


Lumabas na rin ito sa mga pelikula na ‘Muro Ami’, ‘D’ Anothers’ at ‘Dekada ’70’.

Sa kasalukuyan, nagsisilbi bilang councilor si Jhong sa first district ng Makati City.


SA wakas, natupad na rin ng Kapamilya actor at TV host na si Jhong Hilario ang isa sa kanyang mga pangarap – iyan ay ang maka-graduate ng college.

At in fairness, hindi lang basta nagtapos ang “It’s Showtime” host sa kursong Political Science, gumradweyt din siya bilang magna cum laude.

Siyempre, proud na proud ang Kapamilya actor sa panibago niyang achievement sa buhay na talagang pinagsikapan at pinagpaguran niya nang bonggang-bongga.



No comments