Rendon Labador May maanghang na pahayag kay Paolo Contis! "Sustento muna bago Pa-premyo"!


Binanatan ng Motivational Speaker na si Rendon Labador ang bagong host ng Eat Bulaga na si Paolo Contis banat ng Motivational Speaker Sustento daw muna bago Pa-premyo.

Matapos mag-sorry kina Michael V at Coco Martin, dinurog naman nang husto ngayon ni Rendon Labador ang bagong host ng “Eat Bulaga” na si Paolo Contis.


Personal ang naging banat ni Rendon kay Paolo na tungkol sa mga anak nito.

“Anong klaseng pag katao mayroon si Paolo Contis at natitiis niyang mag bigay ng pa-premyo sa taong bayan habang nagugutom ang mga anak? Patigasan nalang ng muka bro? Alam kong nakakatawa ka, pero huwag mo namang gawing nakakatawa pati buhay mo,” ani Rendon sa FB post.

“Ang tigas ng muka mong mag host habang nagugutom ang mga anak mo. Sustento muna bago pa-premyo!” dagdag pa niya.

Matatandaang sa panayam ni Boy Abunda kamakailan inamin ni Paolo na hindi siya nagbibigay ng sustento sa mga anak niya kina Lian Paz at LJ Reyes pero nag-iipon naman daw siya ng pera para sa mga bata na balang araw ay ibibigay daw niya nang personal sa mga ito.

No comments