Toni Gonzaga Kinumpirma na ang pagbubutis niya sa kanyang 2nd "Baby"


Kinumpirma ng TV host na si Toni Gonzaga na paparating na ang 2nd baby nila ng direktor na si Paul Soriano.


Kung noon ay itinatago pa ni Toni Gonzaga ang kanyang tummy, ngayong Linggo, Hunyo 4 ibinida na niya ang malaking tiyan sa kanyang Instagram.

Ibinahagi niya sa kanyang 7.8 million followers ang pa-baby shower sa kanya ng mga kaibigan.


Makikita sa video na kasama niya sa baby shower ang kanyang mister na si Direk Paul Soriano at panganay nilang si Seve.

“Super grateful to my dear friends @camillevillarofficial @emaglipayvillar @che.uy168 @marieltpadilla and sisters @cathygonzaga @winniewong for throwing us the most memorable shower!” sabi ni Toni sa caption.

“So thankful to our family and friends who celebrated with us this new blessing!” dagdag pa niya.

Noong Marso pa napabalita ang pagdadalantao ni Toni sa kanila second baby.

Naghihintay pa raw ng tamang oras ang TV host-actress upang isapubliko ang muling pagbubuntis dahil baka raw ma-stress lamang ito sa magiging reaksyon ng netizens.

No comments