TVJ iaanunsyo na Bukas 'June 7' ang lilipatang Istasyon.
Bukas malalaman na, Hunyo 7 kung saang TV station lilipat sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon kasama ang iba pang Dabarkads.
Dagdag ni Tito Sen, posibleng sa unang linggo ng Hulyo ay mapapanood na muli sila sa telebisyon.
Matunog na lilipatan nila ang TV5 ni Manuel V. Pangilinan.
Matatandaang noong Mayo 31, 2023 matapos ang mahigit apat na dekada, inanunsyo ng iconic trio ang pagkalas sa producer na TAPE Inc.
Kasunod nito’y nag-resign na rin ang iba pang host na sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Allan K, Ryan Agoncillo, Maine Mendoza at Ryzza Mae Dizon.
Ilan sa mga sinabing dahilan ni Tito Sen ang isyu sa sahod, planong pagpapalit sa mga dating host at pagtsugi sa ilang segment tulad ng Bawal Judgmental.
No comments