Estudyanteng walang Kamay at mga Paa, Nakapagtapos ng Grade 10




Isang estudyanteng walang mga kamay at paa ang nagtapos ng Grade 10 sa Dr. Ramon de Santos National High School sa Cuyapo, Nueva Ecija.

Si Jof Remoroza 15 taong gulang ay ipinanganak na walang mga kamay at paa o ang tinatawag na phocomelia syndrome.


Sa isang post ng Guro na si Mark Jason Neverio ay makikita ang mga larawan ni Jof na nasa stage sa kanilang moving up ceremony.

Ayon kay Neverio ay hindi hadlang ang kakulangan ng bahagi ng katawan upang makapa-tapos ng pag-aaral at saludo siya dito dahil hindi naging balakid ang kapansanan nito at patuloy na nag-susumikap sa pag-aaral.



"Dito ko masasabi na hindi hadlang ang kakulangan upang maabot ang edukasyon na inaasam-asam. Saludo ako kay Jof dahil hindi naging balakid ang lahat bagkus siya ay patuloy na nagsumikap upang makapagtapos ng pag-aaral."- saad ni Neverio.

Humanga rin ang Guro sa kuya ni Jof na si Kuya Jozper dahil ito ang nagsilbing mga paa ng kanyang kapatid sa pag-abot ng pangarap nito.

Dahil sa pagmamahal at suporta ni Kuya Jozfer sa kanyang kapatid ay ginagawa niya ang lahat matupad lang ang mga pangarap nito.


"Kahanga-hanga rin ang kanyang kuya dahil nagsibi siyang mga paa ng kanyang kapatid sa pag-abot ng ng kanyang diploma. Tunay na makikita ang pagmamahal at suporta ng kanyang kuya Jozfer sa kanyang kapatid."- dagdag pa nito.

Pinapakita lang nito na kahit may mga kakulangan ay hindi ito hadlang upang matupad natin ang mga pangarap at ang pagmamahal ng isang kuya para sa kanyang kapatid.

No comments