Pura Luka Vega, Idineklarang Persona Non-Grata sa GenSan




Matapos mag-viral at umani ng samu't saring batikos ang isang kontrobersyal na bidyo na nagpapakita ng drag performance na rock version ng "Ama Namin" ay idineklara persona non grata ng Sangguniang Panlunsod ng General Santos na gumanap na Hesukristo na si Pura Loka Vega.


Ayon kay Councilor Vandyke Congson, malinaw sa bidyo ang ginawang pambabastos ni Vega sa pananampalataya ng milyon-milyong katoliko na itinuturing na sagradong elemento ng simbahan.

“This video clearly offended the sensibilities of the Christian community. Demeaning the faith of millions of Filipinos and disrespecting a very sacred element of the Catholic Church,”- pahayag ni Congson.


Dagdag pa ni Councilor Congson, maging babala na ito sa lahat at hindi kukunsintihin ng gobyerno ang ganitong aktibidad sa lungsod ng GenSan.

“May this be a reminder or warning to all… that your government will not tolerate such activity in our beloved city of GenSan.” dagdag pa nito.

No comments