Willie Revillame, Tinanggihan ang offer ng TAPE, Inc. na Mag-Guest sa 'Eat Bulaga'



Tumanggi si Willie Revillame sa offer ng mga Jalosjos na mag-guest ito sa Eat Bulaga kasabay ang airing ng TVJ sa TV5.

Ayon kay Willie ay mataas umano ang respeto niya kina Tito, Vic at Joey kaya hindi niya magagawa ang offer sa kanya ng mga Jalosjos na may-ari ng TAPE, Inc.






“Isa lang ang sinabi ni Willie, matindi ang respeto ko sa Tito, Vic and Joey. Hindi ko magagawa ‘yun! Ang ganda, di ba?”
- ayon kay Cristy Fermin.

Lumabas ang balita na ito matapos makita-kita noong Hunyo 30 sina Willie Revillame at ang magkapatid na Jalosjos na sina Jonjon at Mayor Bullet.


Masama din umano ang loob ng TAPE, Inc. dahil marami umano silang artista sa GMA na matagal nang iniimbitahan ngunit mas pinili pang lumabas sa "Its Showtime".

“Tulad ngayon ang sama-sama ng loob ng mga taga-TAPE, kasi ‘yung mga artista ng GMA 7 na matagal na nilang iniimbita para lumabas sa kanilang programa kamukat-mukat mo, nasa It’s Showtime nu’ng Sabado. O di ba, napakasakit nga naman no’n! Sampal na mag-asawa ‘yun."- dagdag pa nito.

No comments